Tuwing panahon ng kalamidad tulad ng bagyo o lindol, kailangang maging maingat sa paggamit ng kuryente upang maiwasan ang sakuna. Payo ng DOE ang mga sumusunod na “Energy Safety Tips” para sa kaligtasan ng lahat:
A. SA PANAHON NG BAGYO
1.Kung may anunsyo na ng “STORM WARNING,” mag-CHARGE na ng mga cellphone, emergency light, at iba pang device dahil maaring mawalan ng kuryente.
2.Iwasan ang paggamit ng mga appliances kung tag-bagyo. Sa pagdinig ng balita, mas mainam ang paggamit ng de-bateryang radyo.
3.Kung may naka-ambang na pagbaha sa inyong lugar, mainam na i-OFF agad ang MAIN SWITCH at CIRCUIT BREAKER para maiwasan ang disgrasya at pagkasira ng mga ito.
4.I-REPORT agad sa inyong Distribution Utility o barangay ang mga sumasayad na sanga ng puno at iba pang bagay na maaaring makasira sa mga power lines upang maputol o matanggal agad at maiwasan ang sakuna.
B. PAGBAHA
5.Bilang paghahanda sa pagbaha, ingatang hindi mabasa o malublob sa tubig ang mga APPLIANCES upang maiwasan ang pagkasira ng mga ito.
6.Kung mawalan ng kuryente, i-UNPLUG ang REFRIGERATOR at iwasan ang pagbukas-sara upang mapanatili ang lamig nito.
7.Hawakan ang PLUG at hindi ang CORD kung bubunutin sa saksakan ang inyong APPLIANCE.
8.Panatilihing tuyo ang katawan at paligid bago hawakan ang kahit anong ELECTRICAL APPLIANCE o gamit upang maiwasang makuryente.
C. PAGKATAPOS NG LINDOL
9.Kung nakaranas ng lindol, mabuting ipatingin muli sa eksperto ang mga POWER LINES, OUTLETS at BREAKERS kung may sira bago ulit gamitin.
10. Suriin kung may LEAK ang HOSE o tangke ng LPG bago buksan ito upang makaiwas sa posibleng sunog o disgrasyang idudulot nito.
###